Linggo, Hulyo 20, 2014

Ang Produktibong Lakas Paggawa

BANGHAY ARALING NG ARALING PANLIPUNAN IV
FOURTH YEAR- EKONOMIKS
I. LAYUNIN
1.matatalakay ang uri, dami, kalidad at kahalagahan ng lakas-paggawa;
2.mailalarawan ang pagkuha ng Labor Force Participation rate, Employment rate,
Unemployment rate at Underemployment rate;
3.maipaliliwanag ang Elemento ng Pagiging Produktibo ng Manggagawa;
4.mabibigyang puna ang mga solusyon ng underemployment at unemployment ng bansa.
II. NILALAMAN
A. Paksa
Ang Produktibong Lakas Paggawa
B. Mga Konsepto
* Lakas Paggawa
* Employment
* Unemployment
* Underemployment
* Balangkas ng Aralin
1. Lakas Paggawa
2. Pagkumpyut ng LFPR, ER, UER, UnderER
3. Elemento ng Pagiging Produktibo
4. Solusyon ng Underemployment at Unemployment
D. Mga Babasahin at Kagamitan
1. Kayamanan IV: Ekonomiks. Consuelo M. Imperial, et al, p. 80-87
2. Ekonomiks : TEORYA ATIV: SEMP. (Batayan) Evelina M. Viloria, et al, p. 59-63
3. SAGISAG KULTURA CD-NCAA (2013)
4. LCD Projector, Laptop
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
Ipakita ang mga estadistika tungkol sa populasyon ng bansa mula sa estadistika ng nso.gov.ph 2012
1.paglaki ng populasyon
2.kapal ng populasyon
3.distribusyon ng populasyon
LAKAS PAGGAWA
Hája Amína Áppi
SAGISAG KULTURA CD –NCCA (2013)
Si Hája Amína Áppi ng Ungos Matata, Tandabas, Tawi-Tawi ay pinagkalooban ng Gawad Manlilikha ng Bayan noong 2005 para sa kaniyang kahusayan sa paglalala ng makukulay na banig ng Sama na nagtataglay ng komplikadong heometrikong padron na nagpapamalas ng kaniyang kagalingan sa disenyo, proporsiyon at simetriya, at sensitibidad sa kulay.
Natatangi ang mga likha ni Haja Amina dahil bagaman pinananatili pa rin niya ang tradisyonal na paggawa sa mga ito, hindi siya nangingiming lahukan ito ng kaniyang higit na modernong mga disenyo. Makikita ito sa banig na ang gitnang bahagi ay nagtataglay ng hanggang walong kulay at tila pinoprotektahan ng animo’y balangkas na walang disenyo sa mga gilid. Tumatagal ng halos tatlong buwan ang paggawa ng obrang ito.
Kumapal at napuno na ng kalyo ang mga kamay ni Haja Amina dahil sa matagal na panahon ng pag-aani at pagkukulay. Sa kabila nito, ibayong paggalang pa rin ang isinusukli ng kaniyang komunidad hindi lamang dahil sa natatangi niyang disenyo, katuwiran ng kaniyang mga tabig (edging), at kapinuhan ng kaniyang sasa at kima-kima kundi dahil sa mga itinuro niya sa kanila
B. PAGLINANG NG GAWAIN
1.Ayon sa nakuha na mga impormasyon mula sa pakikipagpanayam ng sampung katao
tungkol sa pangangailangan ng populasyon, ilarawan ang resulta sa pamamagitan ng
talangguhitan.
2. Malayang talakayan
-balangkas ng populasyon, suriin ang mga epekto nito.
Maaaring may trabaho na o naghahanap pa lamang ng trabaho
3. PAG-UULAT- ANG MGA BATA AY MAG-UULAT TUNGKOL SA SULIRANIN AT NG
MANGGAGAWA. Paano malulutas ang suliraning ito.
Elemento ng Pagiging Produktibo ng Manggagawa
1.Edukasyon
2.Makabagong Teknolohiya at Kapital sa Bawat Manggagawa
3. Kalusugan
SULIRANIN NG LAKAS PAGGAWA
SOLUSYON NG UNEMPLOYMENT AT UNDEREMPLOYMENT
1. Pagbibigay-pansin sa mga sangkap ng produksyon na mula sa bansa
2. Paghikayat sa mga namumuhunan
3. Pandarayuhan ng mga manggagawa (Labor Export)
4. Pagdaragdag ng gastos ng pamahalaan para sa mga proyekto
5. K to 12- paghahanda ng kabataan na magkakaroon ng kasanayan sa ibat-ibang lanrangan sa tulong TESDA.
unemployment Labor export
C. PANGWAKAS NA GAWAIN
1. Pagbubuod
Paano mailalarawan ang Lakas Paggawa ng pilipinas?
2. May pinsan kang babae na nais magtrabaho sa ibang bansa bilang katulong. Ano ang maipapayo mo sa kanya?
4. EBALWASYON
1. GROUP 1:Gumawa ng collage ayon sa tunay na kalagayan ng Lakas paggawa ng Pilipinas.
Gamitin ang mga lumang brochure na dala ninyo?
2.GROUP 2: POSTER AND SLOGAN na nagpapakita sa kalagayan ng Lakas paggawa.
IV. TAKDANG ARALIN
1. Gumuhit ng Family Employment Tree. Ilalapat sa bawat miyembro ng Pamilya ang kanialng hanapbuhay.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento